Friday, 8 October 2010

sorry but thanks...

okay, if you're not up to cheesy things, i would recommend you to stop reading this now and just hit the close button of this tab or window - but if you got tolerance for a bit of cheesiness, go on and read. i got inspired by a blog of almost the same theme and thought it was cute enough to be my 13th month gift for my other half.

If your name is Andres Fidel Sawit Entuna, you don't have any choice but read this because this is intently for you. You brought out the cheesiness in me which I thought has been fermented to another kind of stronger cheese, but because of you, I melted again....

so here's my attempt for apologizing and thanking you for the 13 months of us being together....


sorry kung hindi tayo pareho ng taste sa music but thank you dahil sabi mo may taste ako porket gusto natin pareho ang music ni sitti, mommy michelle at sir bong - shempre si don din :) da best!

sorry kung lagi akong gumagamit ng delaying tactics sa maagang bedtime mo, but thank you because you always give in.

Sorry kung lagi kitang kinikiss, pero salamat at hindi ka pumapalag.

sorry kung ginigising kita pag di ako makatulog - whether asa tabi mo lang ako o andito ako sa Medan pero thank you dahil hindi ka nagagalit at pinapatulog mo pa rin ako kahit inistorbo kita.

sorry kung napaka nega ko sa plano mong mag Windmills in 2 days (di ko talaga maisip kung pano yun) pero salamat dahil alam kong gusto mo akong makasama sa mga lugar na hindi mo pa nararating ever. gagawan ko talaga ng paraan yan. pramis!

Sorry kung ang mga regalo ko ay kung anu ano lang at lagi lang pinapadeliver kay Rachel at Mark pero salamat at natutuwa ka everytime at ine-entertain mo sila when they come.

sorry kung nagtatampo ako pag di ka sumasama pag gusto kitang ipakilala sa mga barkada ko, pero thank you dahil sabi mo, next time sasama ka na.

sorry kung minsan tahimik ako or i seem bored pag tumatambay ka with your barkada (dahil minsan wala talaga akong idea sa mga topics nyo), pero salamat dahil pinapatambay mo pa rin ako with them at ang dami kong natututunan in the process - labs ko na rin lahat ng barkada mo :)

sorry kung natatameme ako pag kasama natin si tina at don, janus at sheng or connie and roel. hindi lang talaga ako sanay makatambayan ang babae at hindi ko alam pano magsimula ng usapan with them pero thank you dahil gumagawa ka pa rin ng paraan para makalabas tayo with them dahil alam mo na gustong gusto ko yun.

sorry kung hindi kita mapagbigyan sa pagsayaw ng Dr. Jones (hayup na song selection eh) pero salamat dahil pinakatatago mo ang mga children's story books na gift ko sa yo and you read them to me when I ask you to...kahit alam ko ng korning korni ka na sa kin.

Sorry kung lagi akong madaldal, pero salamat at pinapakinggan mo ako.

Sorry kung lagi kitang tinetext kahit busy ka, pero salamat dahil nagrereply ka at sweet pa rin.

Sorry kung magastos sa load, pero salamat dahil wala pang araw na wala tayong text sa isa’t isa.

Sorry kung lagi nalang ako nasa bahay niyo, pero salamat dahil feel at home na ako dun. Nakikitulog pa. Hehe.

Sorry kung mataba ako, pero salamat dahil sabi mo sexy ako. Hihi.

Sorry kung lagi nalang ndi ko alam ung ibang mga bagay na alam mo, pero salamat dahil ineexplain mo pa sa akin.

sorry pag bored ako eh inaaway kita, pero thank you dahil minsan mo lang ako pinatulan - and trust me, ayoko nang maulit yun.tinakot mo ko eh. heheheheh

sorry kung pilit kong pinapatandaan sa'yo ang mga bagay na madali mong makalimutan tulad ng monthsaries o birthdays, pero thank you dahil sinusunod mo ko pag sinabi kong ilagay mo sa calendar ng phone mo para di mo makalimutan.

sorry kung dinemand ko na i-text mo ko kung asan ka lagi kahit alam ko naman na ang schedule mo, pero thank you dahil tinetext mo pa rin ako - it makes me really feel less worried everytime.

sorry kung hindi tayo pareho ng tingin sa ilang mga bagay bagay - tulad ng quantity of time at quality time pero thank you dahil pinalalawak mo ang pangunawa ko sa mga bagay bagay. you make me see the positive side of everything.

sorry kung malayo ako sa yo at hindi mo ko makasama at times you need someone with you but thank you dahil mahal mo pa rin ako despite the circumstance we are in. your understanding makes me more grateful for having you as my boyfriend.

sorry kung naiinggit ako sa mga kaibigan kong nag-aasawa na at may mga anak na pero thank you dahil hindi ka nagpapa pressure sa akin and for letting me realize that what we have now is as wonderful as what they have too.

sorry kung masyado akong worry-freak sa future pero thank you for teaching me how to take things a day at a time. it makes me enjoy each day so much more and worry less of what's to be.

sorry kung lagi akong may litanya tulad nito pero thank you dahil binabasa mo pa rin.

sorry kung puro ako tanong sa MouseHunt sa yo, pero thank you dahil lagi mo naman nila-like ang mga posts ko ng bagong huli.

Sorry kung minsan di ko sinusunod ung mga pinapagawa mo sa akin, pero salamat ikaw sumusunod sa akin. Andres ka nga. JOKE!

Sorry kung tamad akong umuwi pag nasa inyo tayo, pero salamat at ikaw rin, tamad. Hehe.

sorry kung ikaw lang ang pinupuntirya ko pag bored ako at binabara lahat ng suggestions mo na gawin ko, pero salamat pa rin dahil hindi ka nawawalan  ng suggestions.

Sorry kung  sobra sobra kitang mahal, pero salamat dahil mas sobra sobra mo pa akong mahal…

Sorry kung  madami akong naging boylets, pero salamat dahil isa ka dun. wahahahhaha!

Sorry kung hindi na ako marunong uminom, pero salamat at hindi mo ko pinabayaan at pinagtawanan nung tinamaan ako sa Baguio.

Sorry kung mabigat ako, pero salamat naman at mas mabigat ka. Ang awkward naman kung baliktad. Hehe.

Sorry kung minsan e malagkit ako, pero salamat dahil hinahug mo pa rin ako kahit malagkit ka rin. Hehe.

Sorry kung hindi ako perfect at lagi kitang tinatanong kung gusto mo makameet ng iba muna, pero salamat dahil ako yung papakasalan mo.

sorry kung nagtatampo ako pag di ka nagrereply o nag co-comment sa mga posts ko sa wall mo, pero thank you kasi sinasabi mo namang nabasa mo eh - hindi ka lang talaga ma-reply na tao. hahahhaha

sorry kung pinupuno ko ang wall mo ng kung anu ano, pero salamat at hindi mo naman binubura. hehehehe

Sorry kung masama ang ugali ko, pero salamat dahil hindi naman ako makapalag sayo. takot ko lang. laki mo eh!

Sorry kung ang kulit-kulit ko, pero salamat at kinakaya mo lahat para sa ating relasyon. 

sorry kung soooobrang haba na nito, pero salamat dahil tatapusin mo naman ang pag basa nito (may quiz mamya-hahahha)

Sorry kung nakakabingi ung sorry ko, pero sana nalaman mo kung gaano kita pinasasalamatan.

Sorry kung eto lang ang kaya ko, kung tutuusin kulang pa ito. Pero salamat, dahil alam kong may habang buhay pa ako para magpasalamat sayo.




kagabi sabi mo bakit hindi ako mag try mag-aral ng something new or something techy, sabi ko, hindi kasi tayo pareho eh. sorry. 
pero salamat at dahil jan, na-challenge ako at ito ang kinalabasan. salamat rin kay Paula.... at sa digital photoframe :)


sorry sa lahat ng mga ginawa kong kinalungkot mo pero thank you dahil 13 months NA tayo. Sorry and Thank you. 
mahal na mahal kita....

No comments:

Post a Comment