Thursday, 16 September 2010

Just ranting....

Mahirap maging boss lalo na kung mas matatanda ang under sa'yo. Yan ang naging problema ko nung ibinigay sa akin ang pagiging Events Coordinator. Lahat may say ako,  from planning, to execution, documentations and evaluations. Walang hindi dadaan sa kamay ko at walang mangyayari hangga't hindi ko ina-approve. Marami akong nakaaway. Marami ang nagalit sa akin. Marami ang nairita. Mahirap nga namang sumunod sa isang tao kung alam mong mas matanda ka  sa nag uutos sa yo. Pero in the long run, nakita naman nila na ang pagiging mabusisi ko ang nakakatulong para maging maayos lahat ng events. Hinarap ko lahat ng pinatrabaho sa akin - wala akong inurungan. Matapos ang 2 taon, ipinaubaya ko na ang trabaho sa iba - hindi ako kayang bayaran eh. ahehehhehehe.


Ngayon, mas naging boss na naman ako - pero sa ibang aspeto naman sa trabaho. Ako na ang may hawak ng isang departamento. As always, mas matatanda sa akin ang mga subordinates ko. Malamang sa isip ng iba, nakuha ko lang ang posisyon dahil ako ang pinakamatagal sa departamento. Pwede. Malamang may nag isip rin na kaya sa akin napunta ang posisyon ay dahil ako ang dating assistant. Pwede rin yun. Pero naitanong ko kung bakit ako eh. Ako lang kasi ang may titulo na angkop sa posisyon na yan. At yan ang hindi nakikita ng marami. Kebs ko  na lang. 


Maangas ako sa trabaho. Hindi nga makapaniwala ang syota ko na ganun ako sa trabaho. Sabi ko, hindi pa nya nakikilala ang "ako" pag trabaho na ang pinag-uusapan. Noon, aminado ako na kulang pa ang maturity level ko pagdating sa trabaho. Pangatlong taon ko pa lang sa field ko nung nangibang bansa ako. Nene pa kung ililinya ako sa mga katrabaho ko noong panahon na yun. Lumabas rin ang komentaryong yan sa mga evaluations sa akin ng mga boss ko noon - kesyo madali akong maimpluwensyahan, pinipersonal ko ang mga taong humahadlang o sumisita sa akin, mabilis akong magbitaw ng salita at kadalasan, pangit ang nasasabi ko. HIndi raw ako marunong magsabi ng negative na bagay sa maayos na paraan. Masyado akong emosyonal sa mga bagay bagay to the point na hindi ako marunong sumunod sa mga kinauukulan. Oo. Ako yan, NOON. 


Masasabi ko naman na naging mas maayos na ako paglipas ng mga taon. Ang tanging hindi ko pa rin mabago eh ang magtaray sa mga tangang tanong o tao - pero mas maayos ko nang nasasabi at nasasagot ang mga tanong na ganito sa mga taong ganun. 


Sa posisyon ko ngayon, mas hirap ako siguro. Hindi dahil sa trabahong kalakip ng posisyon kundi sa mga taong hawak ko. Maliit lang ang departamento ko - hindi dahil sa maliit ang mga nakasalalay sa amin kundi dahil 8 lang ang hawak ko, at kalahati pa dun ay wala naman talagang ganun ka-major na kinalaman sa amin. May isang nag request na mapasama sa dept ko dahil daw mas ekspiriyensado sya sa aming  level - eh ni gumawa ng simpleng plano hindi alam eh. Ni simpleng kanta o tamang sequence ng pagtuturo eh walang alam. Kampay naman! Yung isa naman, bagong salta. Nagturo sa mga pipi ng 6 na taon. Pucha, wala naman pipi sa mga bata namin noh. Kesyo psych daw kasi ang tinapos. Eh nak ng teteng naman oh, eh ako nga nakuha ko yun sa isang subj lang, sya, 4 na taon ang kinailangan nya para makatapos - iba yun eh. Sana nag guidance counselor na lang sya. Yung huli naman, nakasama ko na ng isang taon dito. Kaibigan nya yung bagong salta - pareho silang nag turo sa mga pipi. Pakibasa na lang yung mga hirit ko tungkol sa bagong salta - pareho lang nman ang ihihirit ko. Ay teka, maidagdag ko lang, yung huli eh nakuha lang naman dahil desperado na kami na makakuha ng papalit sa tumakas naming kasamahan. Siguro kung nakatapos ng Engineering yun, baka nakuha pa rin. Ganun kami ka-desperado noon. Get the picture?


Alam ko kilala na ako nung huling taong yun. Kilala nya kung pano ako maging rebelde at maging pasaway, sumagot ng maangas at ipagpilitan ang ideya ko. Personally, hindi nya ako kilala - at yan ang difference nila ng dati naming boss, na family friend nya (oo maysa nepotismo dito). Si ex-boss, kilala ako from the start. Nakita nya akong lumago at magbago dito - personally at professionally, kaya mas gets ako nun. Eh kung naman kasi hindi mo ko kilala personally, you might find me offensive. Pero less na ngayon noh. Maangas lang talaga ako. 


Minsan, may mga tao tayo na kahit wala namang ginagawa sa atin, mainit lang ang dugo natin sa kanila, for no reasons at all. malamang ganun sya sa akin. Nakakapagtaka lang, hindi naman sya ilag sa akin noon. Ngayon, mega -ilag sya at nang iimpluwensya pa sa iba. Naalala ko nga nung pagbalik namin dito galing bakasyon, ang hirit nya sa akin nung papakilala nya ang kaibigan nyang bagong salta - "eto nga pala yung bago mong pahihirapan" - Meh ganun?!?!??!


Kanina may sa tanga naman akong nakibasa ng thread ng may thread mula sa isang interesanteng FB stat. Stat ni bagong salta. Sa thread,  inaaya ang isa naming kasamahan sa Sabado na lumabas, sabi nung isang kasamahan, hindi sya pwede sa sabado. Sagot ni huling ander sa akin, and may i quote " oh ohnga...ingat ka...bwwwaaaaahhhaaaa =))"
Eh pucha, ako ang magbibigay ng training sa Sabado kaya hindi makakasama ang kasamahan na yun sa kanila. Ingat sya?!?!?!? bakeeett?!?!!? Anong meron?!?!??! Kung bakit ko naman kasi binasa pa eh. Nautusan lang naman ako na magbigay ng training. Nagkataon lang na ako lang ang pumasa sa exam (from the ones who were sent to undergo the certification training)  at ang tanging lisensyadong First Aider sa buong eskwelahan. Bite me!


Oh well, sabi ko na nga lang sa sarili ko, "many people strives to have a higher position - not knowing that it can be lonely up there" Narinig ko yan sa nanay ko noon. Mataas ang posisyon nya at walang gustong makihalubilo sa kanya dahil sa posisyon nya. Siguro ganun din ako ngayon. Dapat matutunan ko yun kahit mahirap. Pero kasi hindi ko naman hiniling ang posisyon. Hindi ko naman hinangad ang posisyon. Ibinigay po ito sa akin. Kasalanan ko bang maging magaling, karapat-dapat at maganda all at the same time?!!??!


Anu pa man ang sabihin nila (imaginin nyo ko na may yosi sa kamay at naka taas ang isang kilay) AKO PA RIN ANG BOSS MO, SA AYAW MO AT SA GUSTO" (sabay buga ng usok)




Natuwa naman ako sa isang FB stat  na nabasa ko bago ko i-hit ang publish post button :
"Treat everyone with politeness, even those who are rude to you - not because they are nice, but because you are." 


- Tamaaa!!!!corrected by! check! Like! 


o sya. shut up na ulit ako.

No comments:

Post a Comment